Iibahin natin ngayon ang tema ng project blog na ito. Gawin nating taglish. Naisip kong ibahin ang tema sa pagkakataong ito para naman mas natural ang dating sa mga mambabasa ng project blog na ito. At medyo pagpasensyahan nyo na ang dating ng pagsusulat ko dahil di ako bihasa sa pagsusulat sa sarili nating wika. Hindi ito kasi ang nakasanayan kong gamitin sa pagsusulat at pag-eedit sa trabaho. Lagi akong nalilinya sa wikang Ingles. Kaya dun ako mas naging bihasa. Di gaya ng ilan na magaling o dalubhasa talaga sa sarili nating wika. Kaya kong gawin ang substantive na pag-eedit ng mga komposisyon o iba pang mga sulatin na nasa sarili nating wika, pero pagdating na sa pag-eedit ng lenggwahe mismo eh konti lang ang alam ko.

Naalala ko tuloy dati pag naaatasan ako na mag-edit ng isang komposisyon na nasa sarili nating wika. Para maitama ko ang gustong iparating ng author o writer, eh kelangan ko muna maglagay ng komento dito. Pagkatapos nito eh, itatanong ko na sa ibang editors na nakakaalam ng lenggwahe.

Eto na ang kwento . . .

Pumunta kami kahapon nila Kathy at Shine sa UPLB. Meron kasing meeting dun si Kathy. Ka-meeting nya ang mga professor ng animal science para sa Philippine E-Journals project namin. Ang papel ko eh moral support kay Kathy at Shine. 🙂

Magkaroon muna tayo ng flashback kumbaga sa pelikula. Simulan natin ito sa pagsakay namin ng taxi. Pumara kami ng taxi dahil papunta kami ng Cubao at dun kami sasakay ng bus na HM Transit daw. Nang nakasakay na kami sa taxi, eh medyo di namin nagustuhan ang mga sinasabi ng driver kaya nagdesisyon kami na bumaba na lang habang nasa gasolinahan pa ito para magpagasolina. Medyo antipatiko kasi ang driver pagdating sa metro nya. Ayaw pa nga sana bumaba ni Shine dahil daw baka mapaaway kami. Eh dahil makulit kami ni Kathy at nag-CR pa naman ang driver, eh naisip na naming i-abandon ang taxi nya. 🙂 Bago pa man nakabalik ang driver, eh nakasakay na kami sa bagong taxi na maayos namang kausap. Pagbaba namin sa bus terminal, dito pala sumasakay si Ms. Nora, Irene, at Neil papuntang Laguna. Noong mga oras na yun eh parang walang pasahero, naisip ni Kathy na mag-Buendia na lang daw kami baka kasi ma-late kami sa meeting namin. Ang kaso nagkasundo kami na dun na lang sa Cubao sumakay kesa naman umikot pa kami ng ruta. At tsaka, medyo kaming 3 eh walang sense of direction. Kaya mahirap na mag-iba ng  ruta. 🙂 Si Kathy at Shine medyo walang sense of direction. Medyo lang naman. Pero ako wala talaga. Eh Gateway nga lang lagi na akong nakakapunta pero di ko pa rin matandaan ang mga stores at resto dun. 🙂 Nang nasa bus na kami, nagtaka na lang kami na biglang andyan na ang mga pasahero, mapupuno na ang bus. Nasabi ko pa nga sa mga kasama ko eh, “Baka nagtatago lang sila. Gusto nila tayong i-surprise.” 🙂

Sa aming 3, si Kathy lang ang nakakain na ng lunch at kaming 2 ni Shine eh wala pang lunch. Ito na ata ang una kong biyahe na di pa ko nag-la-lunch. 🙂 Kaya kumain na lang kami ni Shine ng junk food at naki-join naman si Kathy. Pero kumain rin ako ng Dunkin na di ko naman nagustuhan. Iba kasi ang lasa nya. Basta mahirap i-explain.

Ilang oras na rin kaming nagbabiyahe nang itanong ni Kathy kung asan na kami. Pero na nasa SLEX kami.  Di pala nya alam na nasa SLEX na kami. 🙂 Di nya kabisado ang SLEX. 🙂 Hmm . . . mukhang mas malala ata ito sa akin. 🙂 Mas malala ata sa pagkaligaw namin ni Manuel sa biyahe namin sa Cebu. 🙂

Halos 3 oras din ang biyahe namin. Medyo may kalayuan pala ang papunta sa LB. Di ko na kasi matandaan dahil first and last kong nakapunta sa LB eh 1998 pa dahil sa Zoology class namin nung nasa pre-med school pa ako. Kaya di ko na rin maalala ang itsura ng campus. Finally, nakarating na rin kami sa opisina ng Animal Science. Maayos naman ang naging meeting at napirmahan na rin ang kontrata. Mababait at maayos kausap ang mga professor na ka-meeting namin. Sinamahan pa kami sa PCC para bumili ng gatas na dadalhin ni Kathy para sa friend nyang si Cathy at sa bahay nila. Kaya lang pagdating namin sa PCC eh wala ng gatas ubos na. 🙂 Kaya pinayuhan kami ng isang professor na sa DTRI na lang daw kami bumili. Ganun na nga ang ginawa namin, pumunta kami ng DTRI pero wala na rin. 🙂 Kaya instead na gatas ang nabili ni Kathy eh kesong puti na lang. Kaya naman si Shine eh nakigaya rin. 🙂 Matapos ang bilihan ng kesong puti eh picture-taking time na. 🙂

Medyo iba talaga ang klima sa LB. Sabi nga ni Kathy eh mabubuhay daw sya sa ganung setup. Kaya ng tanungin nya ako eh, “Okay lang din. Basta may Internet.” 🙂 In short, talagang na-appreciate namin ang paligid ng LB. Medyo malayo talaga sa buhay sa syudad na puro polusyon na. Sa LB eh medyo mararamdaman mo pa ang maayos na hangin. Nakakaaliw rin sa labas ng LB dahil maraming kainan at gimikan. So pwede talaga ko dito, sa ganitong environment. 🙂

Bumili sila Kathy at Shine ng buko pie ang “D’ Original.” Sabi ng mga professors ng Animal Science eto raw ang masarap na buko pie sa LB. At dahil bawal ang plastik sa LB, walang choice kami kundi bitbitin na hawak ang tali ng karton ng buko pie. 🙂

Bago kami umalis ng LB eh kumain muna kami sa bagong-bagong kainan, ang “Jollibee.” 🙂

Nakakaaliw naman ang paghihintay ng bus papuntang Manila na dahil may oras pala ito. May mga takdang oras lang ang pagtigil ng bus sa mga ilang lugar sa LB. Para pala itong sa Amerika na may oras din, yun nga lang sa bus stop. 🙂 Naalala ko lang ang sabi ng  friends ko na nasa Amerika na. Gaya nga ng sabi ni Kathy, “Feel the air.” 🙂 Mabait ang manong na nagsabi kung anong oras darating ang bus sa kinatatayuan namin. Kaya naman pala nya alam eh dahil sya ang barker nito. 🙂

Nang nasa bus na kami, eh pareho naming gusto na bumalik uli sa LB campus para bumili ng gatas, tapa, at kung anu-ano pang dairy products. Di lang kami ganun namili sa loob ng campus dahil mahirap magbitbit dahil commute lang kami. Lalo na ako, wala akong binili kahit isa dahil tinatamad akong magbitbit ng pasalubong, lalo na’t dala ko ang laptop ko. Kahit na medyo inatake ako ng allergy ko dahil sa mga foreign matter na nanggagaling sa puno at mga hayop habang nasa loob kami ng campus (and I got fever and colds nung gabi na), ako personally eh gusto ko rin bumalik para mamili ng dairy products, lalo na ng gatas. 🙂

Ewan ko lang kung kelan kami babalik para mamili lang. 🙂 Kaya para makabalik uli kami sa LB,  pakisuportahan nyo ang journal ng Philippine Journal of Veterinary and Animal Sciences ng UPLB. 🙂

Advertisements